Pinangangambahan ngayon ng mga residente ng Metro Manila ang patuloy na paglobo ng mga biktima ng dengue matapos mapatay ang 77 katao dahil sa nakakamatay na sakit na ito.
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, Director ng Kagawaran ng Kalusugan ( DOH ) sa Metro Manila na umabot na sa 11, 260 dengue cases ang naitala mula Enero hanggang Agosto 11.
Idinagdag ni Janiro na mas mataas ito ng 109 porsiyento kumpara noong nakaraang taon.
Pinangungunahan bilang "Dengue Capital" ang lunsod Quezon sumonod ang Caloocan, Maynila, Pasig at Valenzuela.
Batay sa ulat ng DOH Regional Epidemiological and Surveillance Unit ( RESU ) na ang San Lazaro Hospital, Philippine Children's Medical Hospital, St. Luke's Medical Center, The Medical City at Bernardino General Hospital ang mga hospital na may mataas na bilang ng mga tumatanggap ng dengue patients sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, Epidemiology Department ng DOH, na kailangan ang matagal at masusing pagsusuri upang malaman kung epektibo ang halamang "tawa-tawa" laban sa dengue.
Iniimbestigahan na rin ng DOH kung mayroon mas mabangis na virus ang dengue dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pasyente dahil sa dengue.
Lumabas sa ulat ng DOH na ayaw ng lamok na may dengue virus ang kulay dilaw, berde at puti at gustong-gusto rin nila ang mapapawis na bahagi ng katawan ng tao tulad ng binti at braso.
-ito yung ginawa ko sa District press con:) okay lang kahit natalo
No comments:
Post a Comment